Buhay KKB
Wednesday, November 8th, 2006ANG BUHAY KKB
Masarap balikan ang masayang samahan
Nang kapwa ko kabataan sa Diyos ay nananahan
Kahit maraming pagsubok ang nararanasan
Sa huli ay kami - kami rin nagdadamayan
Mahirap sa simula dahil mga ugali’y iba-iba
Tampuhan, iyakan at di pagkakaunawaam di rin nawawala
Gayang nasa mundo, si taning din ang may gawa
At kung hindi agad naagapan ay lalung malala.
Hindi pagkakaunawaan sa gawa’t salita
May sariling prinsipyo na sa kanilang palagay ay laging tama
Kanya kanyang grupo minsan para may kakampi sa simula
Ngunit sa huli pare parehong maliang kanilang mga ginawa
Ang sarap mabuhay kasama ng mga kabataang ito
Dahil ang sentro ng aming relasyon ay tanging si Kristo
Na nagbibigay buhay, unawa, at pagkalinga,
Na ang tanging iniisip ay kami na sa hinaharap ay kanyang hinahanda
Ordinaryong kabataan na pasaway noong nasa mundo pa
At ngayo’y hinaharap ang buhay na may pagpapahalaga.
Sa Diyos, pamilya, kapwa kabataan at bansa
Magliliwanag ang bawat buhay nila.
Wala na akong ibang hihilingain pa
Tanging matapos ang takbuhin namin ng sama-sama
May pagmamahal sa kabataan na amin pang makakasalamuha.
At labis labis pagmamahal sa Diyos na aming manlilikha